Best-selling author and scriptwriter Ricky Lee will be coming out in May with a special edition of Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon, the classic anthology that broke convention by combining an author’s journalism, film and literature in one book.
Si Tatang..., which first came out in 1988, is a collection of Lee’s reportage, interviews and short fiction, including “Servando Magdamag” and “Kabilang sa mga Nawawala.” It also features the full-screenplay of the Nora Aunor-starrer Himala, which recently won CNN Viewers’ Choice as the Best Asia Pacific Film of All Time, besting Akira Kurosawa and Wong Kar Wai films in the process. It has been required reading in schools and a common missing/lost item in school libraries.
When it was originally published in 1988, Lee went back to his sources and updated his journalistic articles written earlier. This special edition of Si Tatang... will follow Lee’s unconventional journalistic tradition with further updates on the interview articles more than two decades after it was first published. For instance, three interviews of Jacklyn Jose—from the young promising starlet to the critically acclaimed actress to the sensitive mature thespian that she is now. Moreover, additional, new photographs will complement the essays, stories and scripts.
Ricky Lee is also the author of Trip to Quiapo, a Filipino classic text on scriptwriting. His writing is characterized by a rare combination of critical acclaim and popular following. Critic Isagani Cruz credits Lee for creating “through an unconventional use of Filipino, a new way of looking at our everyday world…” And here’s what National Artist for Literature Bienvenido Lumbera has to say about the forthcoming special edition of Si Tatang... and its author:
Sa antolohiyang ito, walang duda na ang pinakadakilang himala ng ating panahon ay ang manunulat na si Ricardo Lee. Magaling siyang kuwentista. Bilang mananaysay, malaman ang kanyang mga sanaysay. Batbat ng kabatiran ang kanyang mga screenplay.
Maurirat ang kanyang mga interbyu. Bawat anyo ng pagsusulat na kanyang hawakan ay nagpapakilala ng kahusayan ng kanyang panulat at ng malalim na pagkabatid sa mga suliranin ng tao at ng lipunang ginagalawan nito. Kung ihahanay natin siya sa kanyang mga kapanahon, namumukod ang kanyang talino at talento. Ang muling paglilimbag sa Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon ay okasyong dapat ipagdiwang ng mga dati nang mambabasa ng awtor at ng mga bagong mambabasa na dadanas sa bagong panahon sa himalang ang pangalan ay Ricardo Lee.
Ricky Lee’s successful first novel Para kay B (O kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) continues to capture the readers’ imagination and has already been reprinted after just three months since it was launched.
Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon will be launched on May 31, 2009 (Sunday), 3 p.m. at Powerbooks, SM Megamall, Mandaluyong City.
Discounted bulk orders and autographed advance copies can be pre-ordered through the Writers Studio. Contact Jerry at 0921-7849363 / 0917-5331948 / 9289557 or through e-mail <writers.studio12@gmail.com>.
Barbie is, hands down, the most popular doll in the world. But back in the early ’70s, there was only one doll that Pinoys went gaga for.
Maria Leonora Theresa.
This three-foot, ceramic-faced doll was popular love team Guy and Pip’s (Nora Aunor and Tirso Cruz III) “daughter.” It’s the only doll in Philippine showbiz history to have its own launching movie. Maria Leonora Theresa or MLT also had its own contract for TV and movie appearances. It was treated like a human child who had her own wardrobe, jewelry sets, combs, sunglasses, shoes, and even makeup kit. These things were given by sponsors of Guy and Pip, and by their fans.
PEP (Philippine Entertainment Portal) gathered two versions of how MLT came to be.
READ MORE (PEP Love Month Special)
Isa sa pinakadakilang aktres na Filipino sa lahat ng panahon si Nora Aunor. Sa maraming pelikula, binuhay niya ang iba’t ibang karakter. Ang mga seryoso niyang pelikula ay patuloy na pinupuri ng mga kritiko, paksa ng mga pag-aaral pampelikula, at modelo ng tamang pagganap.
Ngunit bukod sa mga pelikulang drama at melodrama, kuminang din ang talento ni Nora sa komedya. Napansin ng mga kritiko ang perfect comedic timing ni Nora—patunay ng kanyang versatility bilang aktres. Hindi lang inantig ni Nora ang damdamin ng manonood bilang artista, naghatid din siya ng tuwa at ligaya sa masa.
Unang nakitaan si Nora ng husay sa pagpapatawa sa mga pelikula niyang musical comedy noong mga unang taon ng dekada ’70, lalo na sa Kung May Gusot May Lusot (Sampaguita Pictures, 1972). Sa Bato Bato sa Langit (NV Productions, 1975), nakita kay Nora ang kakaibang atake sa pagpapatawa, at napatunayan niya ang kakayahang makipagtagisan ng talino sa mahuhusay na komedyanang sina Nida Blanca at Nova Villa.
Sino ang hindi naaliw sa pakikipagsapalaran niya, kasama ang beteranang si Chichay at ang Hari ng Komedya na si Dolphy, sa Kaming Matatapang ang Apog (RVQ Productions, 1976)? Isa ito sa mga pinuring pelikula ng batikang direktor ng komedya na si Ading Fernando.
Sa My Little Christmas Tree (FPJ Productions, 1977) napahalakhak tayo sa kanyang karakter na nagtaray kay Da King Fernando Poe Jr. Nagwagi ito ng FAMAS Best Picture (Comedy) award para sa taon na iyon.
Naging super blockbuster ang Annie Batungbakal (1979), na sinundan ng critically acclaimed na Bongga Ka Day (1980).
Sa Totoo Ba ang Tsismis (Regal Films, 1981), pinakilig tayo ni Nora sa kanyang papel bilang nars na nag-aalaga ng nagpapanggap na pasyente na sa huli ay kanyang magiging mangingibig.
Sumama tayo sa paghahanap niya (kasama ang mahusay ring komedyanang si Louella Albornoz) sa mga holdaper sa Ibalik ang Swerti (NV Productions, 1981).
Muli silang nagsama ni Comedy King Dolphy sa political satire na My Bugoy Goes to Congress (RVQ Productions, 1987).
Maging ang Penoy Balut (Regal Films, 1988) ay isa nang cult classic sa campy scenes nina Nora at Roderick Paulate.
Hindi maitatangging tumatak sa ating kamalayan ang maraming comedy films ni Nora. Sa dami ng mga artistang sumabak sa pelikulang may lahok na katatawanan, kaunti lang ang lubos na kinilala at maaaring ihanay sa liga ng mga dakilang komedyante ng pelikulang Pilipino na sina Dolphy, Chichay, Nida Blanca, Nova Villa, Maricel Soriano, Roderick Paulate, Vic Sotto, Joey De Leon at marami pang iba. Isa sa kanila si Nora Aunor.
Si Deo ay English teacher at masugid na mananaliksik at manonood ng pelikulang Filipino. Nakatira siya sa matulaing isla ng Talim.