For most Noranians, this is the single most memorable musical number in PMPC Star Awards history and, perhaps, in Philippine television.
See for yourself why.
(Trivia: Danny Tan arranged the medley. Megastar Sharon Cuneta and Mr. Gary Valenciano led the stars in giving the performance a standing ovation.)
Congratulations, Ms. Nora Aunor, for receiving again a PMPC Star Award for Global Achievement in Cinematic Excellence and International Recognition. (She got the same award for Bakit May Kahapon Pa.)
The 25th PMPC Star Awards for Movies, directed by GB Sampedro, will be aired on ABS-CBN as its Sunday’s Best feature on June 21, 2009.
Tinanghal si Nora Aunor bilang “Aktres na may Pinakamataas na Papuri” sa 11th PASADO Gawad Sining Sine na ginanap sa Manila Grand Opera Hotel, May 16, 2009. Ang kanyang tropeo ay tinanggap ng kaibigang si Ricky Lee, na ginawaran din ng parangal bilang “Manunulat na may Pinakamataas na Papuri.” Unang recipients ng naturang awards sina Ate Guy at Sir Ricky.
Isa sa highlights ng gabi ang parangal sa Himala bilang “Pasadong Pelikula sa Lahat ng Panahon.” Sabi sa binasang citation:
“Ang Himala ay isang pelikulang nananatiling pinakapaborito at pinakaepektibo na kagamitan sa pagtuturo ... Pabalik-balik pa rin itong ipinalalabas, mainit pa ring pinag-uusapan, at walang sawang pinag-aaralan. Hanggang ngayon patuloy pa rin itong umaani ng parangal sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na rito ang pagkilala ng CNN bilang Best Film of All Time in the Asia-Pacific region nitong nakaraang taon.
“Ngayong gabi, bukod sa pagkilala ng PASADO sa magaling na direktor nito na si Ishmael Bernal, pinararangalan ng PASADO ang dalawa pang matatayog na haligi sa likod ng pelikulang ito na sumasalamin sa sarili nitong galing, laman, at dating. Sila ang nagsisilbing simbolo ng pelikulang ito.”
Sabay nang tinanggap ni Sir Ricky ang tropeo nila ng Superstar. Sa kanyang acceptance speech, sabi niya:
“Ginawa namin ang Himala noong 1982—sa budget na 2.7 million pesos—sa loob ng dalawang buwan, kalaban ang walang tigil na pag-ulan, bagyo, iba’t ibang klaseng sakit, flu, dysentery, mga away sa set dahil sa nawawalang panty o continuity. Pero masayang isipin na after 26 years ay napapansin pa rin siya at nabibigyan ng parangal …
“Kung wala si Nora walang Himala. Binuo namin ang Himala na siya lang ang nasa isip namin. Sinulat ko ’yon para kay Nora noong 1976. Kung naririto si Nora, alam kong pasasalamatan niya ang lahat ng tao na, sa walang tigil na akyat-baba ng buhay at pelikula, walang-sawang naniwala at tumangkilik sa kanya hanggang ngayon … ”
Maraming salamat sa bumubuo ng PASADO.
Some sidelights of interest to Noranians:
·Sa intermission sa pagitan ng concert at awards proceedings, pinatugtog ang tatlong unang tracks ng Habang Panahon CD ni Ate Guy. Isa ang komedyanteng si Eugene Domingo sa nakapansin sa pamilyar na tinig ni Ate Guy, nabanggit ni Sir Ricky. Agad ding nakilala ni German Moreno ang tinig ng kaibigan. "Batang-bata pa ang boses ni Nora," komento pa ni Sir Ricky. Inanunsiyo ang bagong CD ni Ate Guy.
·Isang gurong miyembro ng PASADO ang tumayong “Nora Aunor” buong gabi, mula nang mag-comment si Eugene Domingo na ka-height nito si Ate Guy.
·Sumuporta sa awards night ang mga Noranian mula sa Federation, GANAP, at ICON. Hindi nagkulang sa cheering squad.
·Sa binasang roster of PASADO best actress winners, special mention si Ate Guy bilang huling binanggit: “AT ANG NAG-IISANG SUPERSTAR, si Ms. Nora Aunor …”
****** Noranians are people smitten by a talent extraordinaire: Ms. Nora Aunor, a singer with golden voice, world-class film artist, cultural icon, living legend—the ultimate multimedia Superstar of the Philippine entertainment industry.
Noranians are SUPERSTARstruck.
This is their page to celebrate their identity as Noranians.
****** Noranians may share here their impression of Nora Aunor; any trivia on her music, performances, or other works; their own stories as Noranians. E-mail contributions to superstarstruck@gmail.com.