Kung napanood n’yo ang pelikulang Condemned, I’m sure matatandaan n’yo ang scene sa litratong ito. It was a poignant scene, which I think captured the whole essence of the film. Maihahalintulad ang imahe sa statue masterpiece ni Michael Angelo na La Pieta. Magkaiba nga lang ang relasyon ng magkaeksena. Sa La Pieta ay mag-ina (Virgin Mary and Jesus), sa Condemned naman ay magkapatid (si Nora Aunor as Yoly at si Dan Alvaro as Efren). Paulit-ulit kong tinitingnan ang litratong ito sa antique shop. Sino kaya ang kumuha nito? A piece of fine art . . .
Ang pinagsanib na NV Productions ni Ate Guy at Dragon Films ni Peter Gan ang matapang na nag-produce ng “Condemned”. Masasabing ito ang magandang halimbawa ng hindi sunod sa uso na tema ng pelikula pero nagustuhan ng manonood kaya kumita ito nang husto. Mahusay kasi ang pagkakagawa. One of Mario O’Hara’s best. Bagay na magkapatid si Ate Guy at Dan dito. Pareho silang magaling. Superb acting from Ate Guy. Hindi nga lang siya nanalo ng award para dito dahil sa parehong taon din niya ginawa ang ‘Merika at Bulaklak sa City Jail.
Sa pelikulang ito, napansin ko na mahusay nga palang aktres si Ms. Gloria Romero. Naiiba ang role niyang kontrabida. Kinilabutan ako sa death scene niya.
At malilimutan ko ba ang ang huling eksena sa Manila Bay? Si Ate Guy, nagtatapon ng dolyares . . . BRILLIANT!
****** Noranians are people smitten by a talent extraordinaire: Ms. Nora Aunor, a singer with golden voice, world-class film artist, cultural icon, living legend—the ultimate multimedia Superstar of the Philippine entertainment industry.
Noranians are SUPERSTARstruck.
This is their page to celebrate their identity as Noranians.
****** Noranians may share here their impression of Nora Aunor; any trivia on her music, performances, or other works; their own stories as Noranians. E-mail contributions to superstarstruck@gmail.com.