Superstar Nora Aunor’s favorite filmmaker Mario O’hara is one of the five artists/writers to receive the 2009 Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas award from the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). The director is deemed worthy of the award “for his dramatic films of meritorious quality, through which he and his world view poke at the conscience of a society that closes its eyes on the surrounding mire of oppression and poverty.” The full citation reads: Sa kaniyang mga dulang pampelikulang may mataas na uri, sumusurot ang kaniyang pananaw-sa-mundo sa budhi ng lipunang nagwawalambahala sa mga nasa lusak ng kaapihan at karalitaan, naghahanap ang kaniyang sining ng pagtupad sa katarungan sa loob ng isang ordeng inaasahang makatao at demokratiko. Binibigyan ng katawan at mukha ng kaniyang panulat ang mga tauhang ginigiyagis ng panahong itinuturing na pinakamatingkad sa kontemporanyong kasaysayan, ng mga digmaan at tunggalian na patuloy na bumubuo sa pagkataong Filipino. Itinuturo ng kaniyang panulat ang isang landas na magluluwal ng isang uri ng lipunan na higit na gumagalang sa dignidad ng tao. For his dramatic films of meritorious quality, through which he and his world view poke at the conscience of a society that closes its eyes on the surrounding mire of oppression and poverty; and his art that seeks the realization of justice within an order that is hopefully humane and democratic. His writing has given face and body to characters that are subject to the most intense anxieties of contemporary history—those brought about by the wars and conflicts that continue to shape the Filipino. At the same time, his writing points to a path leading to the creation of a society that exceedingly respects human dignity. Isinilang noong 19 Abril 1946 sa Zamboanga, Mindanao. Isa siyang premyadong direktor, prodyuser at manunulat ng pelikulang Filipino. Ang kaniyang pelikula noong 2004, Babae sa Breakwater, ay nagtampok sa usapin ng kahirapan sa Maynila at nagtagumpay sa panlasa ng mga kritiko. Bilang manunulat ng dulang pampelikula, napabantog siya sa Lumuha Pati Mga Anghel (1971), Cadena de Amor (1971), Tatlo, Dalawa, Isa (Hello Soldier, 1974), Mortal (1975), Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Insiang (1976), Rubia Servios (1978), Kasal (1980), Kastilyong Buhangin (1980), Babae sa Bubungang Lata (1998), Sisa (1998), at Pangarap ng Puso (2000). Bilang direktor ng pelikula, napatanyag siya sa Mortal (1975), Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Kastilyong Buhangin (1980), Condemned (1984), Bulaklak ng City Jail (1984), Bed Sins (1985), Bagong Hari (1986), Halimaw sa Banga (1986), Prinsesang Gusgusin (1986), Fatima Buen Story (1994), Manananggal in Manila (1996), Babae sa Bubungang Lata (1998), Sisa (1998), Sindak (1999) at Pangarap ng Puso (2000). Bilang manunulat ng dulang pantanghalan, ang kanyang Ang Palasyo ni Valentin ay nagwagi ng unang gantimpala sa National Centennial Literary ontest., Kategoryang Zarzuel noong 1998. Nakamtan niya ang 1984 Metro Manila Film Festival Best Director para sa Bulaklak ng City Jail; 1984 PMPC Star Awards for Movies for Bulaklak sa City Jail; 1995 Urian Awards for Best Director para sa Fatima Buen Story; 2000 Young Critics’ Award for Best Director para sa Sisa; at ng 2000 Young Critics’ Award for Best Screenplay para sa Sisa. |




RSS Feed









