Picture
Picture

Isa sa pinakaunang seryosong pelikulang Filipino na tumalakay sa buhay ng overseas Filipino workers (OFWs) ay ang pelikulang ’Merika (1984) ni Gil Portes, mula sa panulat nina Gil Quito at Clodualdo del Mundo. Ipinalabas ito sa panahong patuloy na lumalakas ang puwersa ng migranteng manggagawa. Panahon ito na nakakaranas na ang bansa ng krisis pang-ekonomiya. Panahon din ito nang unang narinig ang pagtukoy sa OFWs bilang “Bagong Bayani,” pagkilala ng rehimeng Marcos sa kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.

Inilahad sa pelikula ang buhay ni Milagros Cruz, isang nars sa New Jersey na may limang taon na ring nagtatrabaho doon. Bahagi ng pang araw- araw niyang pakikipagsapalaran sa 'Merika ang pagsakay niya sa subway patungo sa pinapasukang trabaho. Makikita ang kahusayan ni Nora sa pagganap sa eksena habang nakasakay siya sa tren. Mababakas sa kanyang mga mata ang pangungulila, ang kalungkutan, ang paglalakbay na animo’y walang patutunguhan.

Nakatatak na sa isip ng manonood ng pelikulang Filipino ang hindi malilimutang eksenang ito. Maraming sumunod na mga pelikula na tumalakay din sa buhay ng mga Filipino sa ibang bansa ang gumamit ng katulad na eksena ni Nora. Sa Milan (2004) may eksena si Claudine Baretto na mag-isang nakasay sa tren. Sa Caregiver (2008) nag-aabang si Sharon ng tren habang nangangaligkig sa lamig; sa sumunod na eksena makikita siyang mag-isang bumibiyahe. Maging sa In My Life (2009) si Vilma Santos ay may katulad ring eksena. Ngunit hindi maikakaila na sa kanilang lahat si Nora Aunor ang nagpakita ng di-matatawarang husay sa paglalarawan ng pag-iisa, ng pagiging di-kabilang, ng kalungkutan na patuloy pa ring nararanasan ng mga Filipino sa lupang dayuhan. Ang pangungulila na hindi kayang tapatan o punan ng dolyar, masasarap na pagkain, o anumang karangyaan. Ang pangungulila na walang ibang solusyon kundi ang pagbalik sa lupang sinilangan. Dalawampu’t limang taon mula nang ipalabas ang ’Merika, makabuluhan pa rin ang mensahe nito hanggang sa ngayon. Marami pa ring Filipino ang tulad ni Milagros Cruz na bagama't nagkaugat sa lupang dayuhan, sa kanilang kaibuturan ay nananabik sa sariling bayan.

Nagbibigay-pugay ang manunulat sa ika-25 taong anibersaryo ng ’Merika. Gayundin sa mga Noranian na kahit matagal nang naninirahan sa ibang bansa ay Noranian pa rin mula noon hanggang ngayon!!!!!!

 
 


Nora’s Sterling Performance in ’Merika

by Ernie Pecho


Super actress Nora Aunor gives another sterling performance in Gil Portes’s ’Merika. The entire movie is a veritable showcase of her amazing power to convey every emotion—in this case those called for by the script written by Doy De Mundo. It is in ’Merika that we witness once more La Aunor’s control of her craft.

Nora Aunor as the bored and lonely Filipina nurse, Milagros Cruz, in ’Merika is truly unforgettable. No other actress, not even Ms. Charito Solis, has delineated a movie role more flawlessly.

Movie critic turned scriptwriter Ricky Lee was also so impressed with Nora’s acting that he announced it was the superstar and nobody else he’d have for the lead female character in Minsa'y May Isang Pangarap. The award-winning script written by Lee will soon be filmed.

Even some movie writers known for being stingy with praise have been rendered speechless by Nora Aunor’s splendid portrayal in ’Merika. The same group of scribes is predicting that ’Merika will catapult the actress to the top once more.

Times Journal, 1984