The Five Best Actresses of Philippine Movies by Boy C. De Guia January 26, 1981 Movie Romances Magazine Bago ang lahat, isa munang patalastas: hindi na naming isinali sa survey sina Lolita Rodriguez, Charito Solis at Rita Gomez. ’Ika nga’y nasa Hall of Fame na sila at hindi na ito nangangailangan ng ano mang paliwanag pa. Kung gayon, ito ay “labanan” ng bagong henerasyon; mga bidang aktres ng bagong panahon. Inuulit namin: mga bidang aktres. At ayon sa siyam na piling-piling panelists, pagkatapos ng ilang ulit na pagsusuri (ng awtor) at pagkaraan ng ilang buwang paghabol sa kanila, walong aktres ang nasa limang listahan ng Pinakamahusay: (1) NORA AUNOR & HILDA KORONEL (2) Elizabeth Oropesa (3) Amy Austria (4) Pinky de Leon (5) Gina Alajar / Chanda Romero/ Charo Santos Maaring pagtakhan kung bakit kapuwa nasa unang puwesto sina Nora Aunor at Hilda Koronel, gayung hindi naman magkatulad ang resulta ng kanilang individual votes. At maaring pagdudahan kung bakit magkasama sa number 5 ang tatlong aktres. Maari ding itanong kung bakit siyam lamang ang kinuha naming panelists. Gusto naming sabihin ditong mas marami pa nga ito kung tutuusin, at kung ikukumpara sa naging Board of Jurors sa ibang acting competitions. Ang pinagpasiyahan ng panelists sa kanilang choices ay ang kabuuang kahusayan ng mga aktres sa kanilang mga pelikula; hindi iisang pelikula lamang na tulad ng FAMAS, Urian, at Metro Manila Film Festival. Pinili naming mabuti ang panelists at kahit paano’y kumakatawan sa mahalagang sector ng showbiz: sina LINO BROCKA, director; JESSE EJERCITO, prodyuser; ANITA LINDA, aktres; EDDIE GARCIA, aktor, PIO DE CASTRO, critic; TONY S. MORTEL, manunulat; ZENAIDA AMADOR, stage producer-director-actress; CONRADO BALTAZAR, cinematographer at CYNTHIA PINEDA, layman (o sa ibang salita, hindi taga-showbiz, kung gayo’y maaaring kumakatawan sa publiko). Narito ang kanilang individual choices: LINO BROCKA: “Ang mahusay na aktres ay yaong consistently effective, totoo rin ito sa mga aktor. ‘Yung kahit na maganda ang role at ang pelikula sa kabuuan ay mahusay pa rin, lumulutang ang kakayahan. Nasa iisang kategorya sina Nora at Hilda. Mahirap silang habulin. Mahirap silang talunin. Ito ang dahilan kung bakit wala akong number two . . . Among younger ones, magkagrupo talaga sina Gina, Amy at Cherie. Same category naman sina Chanda, Pinky at Beth. They’re good actresses pero sayang, hindi sila nabibigyan ng better parts at dahil dito, hindi sila nagiging consistent. Malaki ang pag-asa nina Charo at Rio kung magpapalit talaga sila ng image, kung mabibigyan sila ng offbeat roles.” (1) Nora Aunor / Hilda Koronel (2) ------- (3) Gina Alajar/ Amy Austria/ Cherie Gil (4) Pinky de Leon/ Chanda Romero/ Beth Bautista (5) Charo Santos / Rio Locsin ******** JESSE EJERCITO: “Mas marami palang magagaling na aktres kaysa actor . . . Sorry, hindi ko mapipigilan, mahaba ang listahan ko.” (1) Nora Aunor (2) Hilda Koronel (3) Elizabeth Oropesa (4) Amy Austria (5) Gina Alajar (6) Charo Santos (7) Chanda Romero (8) Beth Bautista (9) Daria Ramirez (10) Pinky de Leon ******** ANITA LINDA: “Basta, magagaling silang lahat!” (1) Nora Aunor (2) Hilda Koronel (3) Pinky de Leon (4) Vilma Santos (5) Beth Bautista/ Elizabeth Oropesa ******** PIO DE CASTRO: “To be a good actress is to be able to portray different roles effectively…” (1) Hilda Koronel (2) Nora Aunor (3) Chanda Romero (4) Pinky de Leon (5) Daria Ramirez/ Elizabeth Oropesa ******* TONY MORTEL: “Hindi lang naman komo popular ka o kontrobersyal ka ay naisusulat ka. Para mabanggit ka ng reporter, kailangang maging magaling na artista ka rin!” (1) Nora Aunor (2) Hilda Koronel (3) Elizabeth Oropesa (4) Amy Austria (5) Chanda Romero (6) Beth Baustista (7) Gina Alajar ******* EDDIE GARCIA: “I’ve worked with them, my choices I mean, and they’re just wonderful as co-stars. They inspire me not only because they’re good-looking but . . . they’re good actresses.” (1) Hilda Koronel (2) Nora Aunor (3) Elizabeth Oropesa/ Amy Austria (4) Charo Santos (5) Gina Alajar (6) Lorna Tolentino (7) Alma Moreno ******** CONRADO BALTAZAR: “Para maging mahusay na artista, kailangang hindi hirap sa iyo ang kamera at ang cameraman . . . Nakakatulong nang malaki sa pagiging effective ang pagkakaroon ng magandang projection...” (1) Nora Aunor (2) Hilda Koronel (3) Amy Austria (4) Gina Alajar (5) Charo Santos ******** ZENAIDA AMADOR: “I only have three choices, and they are equally good. I’ve seen them perform, I’ve worked with them, and they’re consistently effective.” (1) Nora Aunor/ Hilda Koronel/ Pinky de Leon ******** CYNTHIA PINEDA: “I’ve been a Filipino movie follower since I was 10, so familiar na ako sa mga artista natin. ‘Yung choices ko, pag may pelikula sila, I really take time out to watch their movies, dahil alam kong kahit na ano lang ‘yon, mapapaganda na ng acting nila.” (1) Nora Aunor (2) Hilda Koronel (3) Charo Santos (4) Elizabeth Oropesa (5) Chanda Romero (6)Beth Bautista Kung mapapansin, halos pare-pareho naman ang choices ng mga panelists, maliban sa pagkakabanggit nina Vilma Santos, Alma Moreno, Rio Locsin, Cherie Gil, Lorna Tolentino, Daria Ramirez at Beth Bautista (na siyang pumapang-anim at gusto naming bigyan ng Special Prize). Dahil limang puwesto lamang talaga ang talagang plano naming, hindi na naming ang sumusunod sa limang pinili ng panelists, dahil magiging unfair naman sa ibang nasabihang lima lamang ang kanilang pipiliin. Tanging sina Nora Aunor at Hilda Koronel ang nasa listahan ng lahat ng panelists . . . at malayo ang kanilang agwat sa iba, kahit na kay Elizabeth Oropesa na inilagay namin sa number 2 position. Ang pagkakaroon ng “perfect votes” nina Aunor at Koronel; at ang di-pagkakalayo ng kanilang puwesto sa lahat ng panelists ang nagpasiya kung bakit silang dalawa ay magkahati sa unang puwesto bilang Pinakamahusay. Courtesy of Ron Maceda and Pinoymovies The Best Actresses of Philippine Movies (During the Last Five Years, 1978-1983) by Boy C. De Guia August 19, 1983 Modern Romances Magazine Ayon sa napagkasunduan naming point system (at hindi popularity votes) na resulta ng pagkakapili ng sampung inampalan, ang Five Best Actresses of Philippine Movies (during the last five years) ay ang mga sumusunod (strictly in order of importance): (1) NORA AUNOR (2) Hilda Koronel (3) Vilma Santos (4) Gina Alajar (5) Charito Solis Ang sampung inampalan—na maingat naming pinili mula sa iba-ibang larangan ng showbiz—ay ang mga sumusunod: DIGNA SANTIAGO, movie producer; TONY TUVIERA, TV producer; BERNARDO BERNARDO, actor-director (stage); TONY SANTOS SR., actor-director (movie-TV), NESTOR TORRE JR., critic-actor-director; ZENAIDA LATORRE, writer-publicist; PETE LACABA, scriptwriter; NESTOR CUARTERO, entertainment editor; FANNY SERRANO Serrano, impersonator-beautician; at ROSEMARIE INOCENCIO, housewife-movie fan. Bukod sa pansariling pamantayan at pakahulugan ng mga inampalan sa kahusayan ng aktres, dalawa lamang ang criteria: 1) gumanap na bida at 2) aktibo hanggang ngayon. Pagkatapos mabigyan ng kaukulang puntos, ganito ang kinalabasan ng pagkasunod-sunod: (1) Nora Aunor - 91 points (2) Hilda Koronel - 54 points (3) Vilma Santos - 51 points (4) Gina Alajar - 35 points (5) Charito Solis - 29 points Kung tutuusin ay malayo ang agwat ni Nora Aunor dahil siya lamang ang nakakuha ng perfect score of 10. Pitong inampalan ang naglagay sa kanya sa unang puwesto, samantalang pumangalawa siya sa tatlong inampalan kaya masasabing muntik nang maging unanimous ang pagiging first-placer niya… Ganito ang ginawang pagpili ng sampung inampalan: DIGNA SANTIAGO. Sabi ng hindi-na-gaanong-aktibong prodyuser, “My decision is relative to what I have seen.” (1) Nora Aunor: “She’s consistently good that it gets to be boring already. Seriously now, Guy can tackle any role even if she’s not acting.” (2) Hilda Koronel: “She’s brilliant in spite of what they say.” (3) Gina Alajar: “Very convincing.” (4) Vilma Santos: “She’s good, period.” ******** TONY TUVIERA. “My basic idea of good acting is communication . . . You’ve got to be pleasant to look at; pag maganda ang artista, madali itong makapag-communicate.” (1) Hilda Koronel: “What a face. Kaya kahit ano ang irate, puwede. She reminds me of Faye Dunaway. She has the most expressive face; kung magkaminsan nga’y overdone. Pag nasa screen si Hilda, it’s as though she’s not acting at all.” (2) Nora Aunor: “She delivers a message without using glamour. Magaling talaga.” (3) Vilma Santos: “She delivers what the role calls; but her over-all personality somehow limits her performance.” (4) Charito Solis: “I’ve always admired her, ever since I started to appreciate female acting. I call her my ‘First Actress.’ She’s versatile.” ******** BERNARDO BERNARDO (1) Nora Aunor: “There’s truth in her acting, nakukuha ang audience; very sympathetic; her acting goes beyond physical looks.” (2) Vilma Santos: “She always tries to be on top of a situation; she underplays; she oozes with sex appeal on screen kahit hindi maghubad; such star quality!” (3) Gina Alajar: “She’s not a typical movie goddess but she gets away with roles through sheer talent; she has a grand-scale personality.” (4) Chanda Romero.: “An intelligent actress; she acts through her eyes; she underplays; she knows her craft more than anybody else; she has a third eye, a sixth sense about anything yet she comes out naturally.” (5) Hilda Koronel: “Classic beauty that lends itself even in social realism; beauty and talent combined; triumph of underacting.” ******** TONY SANTOS SR. (1) Nora Aunor: “Nasa puso ang ginagawa. May puso ang kanyang pag-arte. Ibig sabihin nito, tapat siya sa kanyang propesyon.” (2) Vilma Santos: “Ang ikahahanga mo kay Vi, napag-aralan niya ang maraming kahusayan sa pag-arte through experience.” (3) Hilda Koronel: “Kumbinasyon yan nina Guy at Vi.” (4) Gina Alajar: “Bata pa noon si Gina, hinulaan ko nang maging best actress ‘yan!” (5) Charito Solis: “Siya ang dapat tawaging Most Durable Actress. Sumasabak kahit anong panahon ng artista.” ********** NESTOR TORRE JR. “Number One silang lahat.” (1) Nora Aunor (1) Hilda Koronel (1) Liza Lorena (1) Vilma Santos (1) Charito Solis ********* ZENAIDA LATORRE. “There are so many competent actresses, but we are talking of the best, right? There are a lot of stars whom I like, I admire, some of them I love, but their acting has not reached the range of Charito and Nora.” (1) Charito Solis: “She has taken care of herself well both personally and professionally; her range as an actress is unbeatable; she’s powerful; creative, has nuances over and above the directorial demands; versatile; such presence.” (2) Nora Aunor: “Raw talent, instinctive; she always gives soul-acting; she’s almost the same as Charito but the latter is more experienced.” ******** PETE LACABA. “They inspire me to create better characters.” (1) Nora Aunor: “Talagang kinakatawan niya ang ordinaryong Pilipina kaya bagay sa kanya ang bawat role na ma-assign sa kanya. Obvious kay Guy na willing siyang mag-try ng bagong bagay.” (2) Gina Alajar: “Parang kapareho ni Nora; hindi siya masyadong concerned sa image.” (3) Hilda Koronel / Vilma Santos: “They’re good but limited; I mean, masyado silang magaganda kaya nalilimitahan . . . hindi sila bagay sa ibang papel.” (4) Charito Solis / Chanda Romero / Amy Austria: “Ang problema lang sa kanila, hindi masyadong malalaki at challenging ang mga papel na naibigay sa kanila.” ******** NESTOR CUARTERO (1) Nora Aunor: “The ultimate actress.” (2) Gina Alajar: “Such intensity!” (3) Hilda Koronel: “Believable.” (4) Chanda Romero: “Versatile.” (5) Vilma Santos: “Versatile.” ******** FANNY SERRANO (1) Vilma Santos: “She’s different in every role . . .” (2) Nora Aunor: “She can act and project through her eyes; type ko ang kanyang underacting.” (3) Gina Alajar: “Combination nina Vilma at Nora.” (4) Charito Solis: “Her professionalism counts a lot; ‘yung tipo bang nagpapataba o nagpapayat siya for a role.” (5) Hilda Koronel: “Restrained acting but full of energy; I like her voice.” ******** ROSEMARIE INOCENCIO (1) Nora Aunor: “Palagay ko’y walang makakatalo sa kanya.” (1) Hilda Koronel: “Para din siyang si Nora, kaya lang, mas maganda siya. Hindi ko sinasabing hindi maganda si Guy. Kung pamimiliin nga ako ng most beautiful actresses, si Guy ang number 2 ko dahil parang siya ang ideal ng Pilipina.” (Parehong number one ang ibinigay niyang botosa dalawa; wala raw siyang number two.) (3) Vilma Santos: “Basta magaling, kaya lang, pare-pareho na lang ang papel niya.” (4) Gina Alajar: “Para siyang pinagsamang Nora at Hilda.” (5) Charito Solis: “Nasaan ba ang mga kasabay ni Charito? Kaya siguro narito pa siya’y dahil sa talent niya.” Courtesy of Ron Maceda and Pinoymovies |





RSS Feed









