Sumainyo nawa ang pagpapala ng Panginoon!

March 31, nagbigay-parangal at pagkilala kami sa mga taong
mahal namin sa aming komunidad ng mga katekista.
Sa pagnanais kong iparinig ang mga bagong awitin ni Ate Guy,
gumawa ako ng simpleng videos na may lyrics ng kanta.

1. Sa mga kasamahan namin dito sa Manila na nagkaroon ng
bagong assignment at dahil sa tawag ng paglilingkod at
pagiging masunurin ay malilipat ng ibang lugar

ang theme song para sa kanila ay “Sa Iyo Pa Rin.”

2. Sa kapatid naming namayapa nitong nakaraang Marso,
si Aldrin (please pray for him),
isang katekistang nasa ilalim ng aking pangangalaga,
biglaan ang kanyang pagkawala (na-heat stroke)

kaya theme song namin para sa kanya ay “Ganyan Nga Ba.”
Puwede rin ang “Habang Panahon” pero gagamitin
ko ito para sa susunod na susunduin (hehehe … joke).

At the end, komento ng aking kasamahang coordinator:
“Bro, nadalawahan mo kami ah.”
Natutuwa silang may paghanga. Angkop naman kasi ang mga awit.  


At kinakanta na nila pagkatapos.

At ako naman ay mananatili sa Manila pero maa-assign sa ibang area.
Kaya gagawa ako ng video para sa aking maiiwanan

na ang theme song ay “Friends.”

Sa aking pagtahak sa bagong assignment,

ang theme song ay  “Starlight.”

At para naman sa mga kapatid ko na ayaw palipat ng parokya
dahil ayaw ng pagbabago o komportable na (kung meron man),

ang theme song ay  “Ligaya.”

Ang isa pang plano ko, tribute naman sa mga katekistang “SINGLE” pa
(marami niyan dito; di na nakapag-asawa dahil kay Kristo, huh!)

ang theme song naman nila ay “Kailan.”

Ang iba sa kanila ay 50 years old na, umaasa pa (hehehe … joke uli).
pero ako, nagdesisyon na: “single-blessedness” forever.

During advent, meron kaming special lesson:
Advent and Christmas.  Kaya ang awiting “Pasko”
naman ang papasok.

O di ba ang saya!

Masaya ang maging katekista.
At kung kayo ay nagnanais magkatekista
o may kamag-anak, kaibigan, o
kakilalang gustong maging katekista,
makipag-ugnayan lamang po sa akin.

O kung may kakilala kayong gustong sumuporta sa
pag-aaral ng sinumang gustong  maging katekista,
just let me know.


 


Comments

art

Sat, 04 Apr 2009 09:13:13

nang marinig ng friend ko ang kanta, ang unang pumasok sa isip nya ay si nora aunor. ang sabi n'ya "parang boses ni nora, kaya lang, hindi ko yata naririnig ang kinakanta nya at parang bumata ang boses n'ya". nang matapos kong mapaliwanagan, hayun, humihing ng cd ni ate guy.

actually, maganda ang mga feedback na nakak arating sa kin.

yong ibang friend, di ko pa nakakausap. pero, sigurado ako, sila ang unang magbubukas ng usapan. may mga friend din ako na nagtatanong kung ano ang update tungkol kay ate guy.

 

Nestor

Mon, 06 Apr 2009 02:39:27

Thanks for sharing this, Art.

 

Rika

Sat, 11 Apr 2009 19:31:30

I heard the Friends song by Nora Aunor at youtube. Breathtaking! Nora sounds even better. Well, who deserve the word Superstar other than Nora. God bless. You deserve the best. More Power. BTW, I am getting copies. ;)

 

deo antazo

Fri, 17 Apr 2009 11:43:54

Ask ko lang kung kelan po ang release ng Album ni Ate Guy dito sa Pinas excited na po ako!!!!

 



Leave a Reply