Picture


Sa tuwing pinapakinggan ko ang awiting “Pearly Shell”

na pinasikat ni Ms. Nora Aunor,
laging bumabalik sa aking alaala ang kahapon.

Taong 1974.
Grade 1 ako noon.
Excited ako sa paghahanda ng aking costume.
Bulaklaking salawal na kulay bughaw
at tinuhog-tuhog ng karayom sa sinulid na puti
ang puting bulaklak
na kung tawagin ay calachuchi
upang maging kuwintas ng hubad kong katawan.
Oo, sa unang pagkakataon,
sa mura kong edad,
iindayog ang aking katawan
sa saliw ng tugtuging “Pearly Shell.”

Hindi ko makakalimutan ang tagpong ito.
Tandang-tanda ko pa.
sa aming pagsasanay ng sayaw,
isang aksidente ang nangyari.

Nauntog ang aking ulo sa “door knob.”
Arraaayyyy!! !!!
Waaaaaahhhhhhhhh! !!!!!!
Ang lakas ng iyak ko as in.
Siyempre, napahiya ako eh.
At dumating ang ate ko para damayan
ako sa kahindik-hindik na mga kaganapan.

Mula Grade 1 hanggang Grade six,
folkdancer ako sa aming school.
At wala nang door knob na umeeksena.


 


Comments

marites

Fri, 12 Jun 2009 12:39:28

Kuya Art, buti hindi kayo nabukulan sa door knob? hahahaha. Nakakatuwa naman. Ang dami-dami ng sumayaw ng awiting Pearly Shells, kahit ako nung Grade 1 din ay sinayaw namin sa school kaya lang di ako sigurado kung kay Ate Guy bang version ang ginamit na tugtog.

 

deo antazo

Fri, 12 Jun 2009 13:06:37

Well until now madalas paring gamitin ang Pearly Shell version ni Ate Guy. Sa mga t.v shows, at maging sa mga presentations sa school Pearly Shells Nora Aunor version pa rin ang paborito!!!!!

 



Leave a Reply